Pinoy-Style

Http://pinoystyle.tk
 
HomePortalFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 Kapuso Showbiz Intrigues: 3rd Compilation

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin
Admin
avatar

Number of posts : 45
Age : 28
Registration date : 2007-07-05

PostSubject: Kapuso Showbiz Intrigues: 3rd Compilation   Sat Aug 11, 2007 5:12 pm

Ogie Alcasid talks about Regine Velasquez and his family in Australia

Maricris Valdez-Nicasio
Philippine Entertainment Portal
Saturday, July 7, 2007; 03:16 PM



Labis ang kalagakan ni Ogie Alcasid sa mga nangyayari ngayon sa kanya, partikular sa personal niyang buhay. Kadarating lang ni Ogie buhat sa United States a couple of days ago.

Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa taping ng drama series na Magpakailanman sa Timog Ave, Quezon City, para makibalita.

Una naming inusisa ang balitang pinag-uusapan na nila ng kasintahan niyang si Regine Velasquez ang kanilang pagpapakasal.

"Kasal? Hindi, wala pa, wala pa. Matagal pa 'yong kasal," nakatawang panimula niya.

"Oo naman, she deserves to walk on the aisle and Regine deserves a grand wedding... Darating tayo riyan, siyempre dapat isa-isa muna.

"At saka, ‘di ba, dapat kausapin ko naman muna ang parents niya? Darating tayo doon, i-pray natin. Ayusin muna dapat ang dapat ayusin. Kumbaga, mahirap kasi na aamin ako, tapos doon sa aking side ay parang magulo pa. E, doon okay na, kumbaga may basbas na ni Michelle [Van Eimeren, Ogie's ex-wife]. So, medyo nagkaroon na ako ng, hindi naman ng lakas ng loob, pero, parang the reason to reveal, hindi ba?"

Sinabi rin ng singer-comedian ang kanyang reaction sa comment ni Regine na willing siyang i-give up ang career niya para kay Ogie.

"E, di, nagulat ako. Pero hindi naman tama 'yon, buhay niya 'yon e... Kumbaga, 'yung career niya, that's her life and I don't think she should give it up.

"Para sa akin, hindi tama 'yon, hindi niya dapat iwan ang showbiz. Siguro, na-ano lang siya roon, kasi parang ang tanong kasi, ano ang effect sa career namin? Sabi niya, parang kung ayaw na sa akin, okay lang. Pero hindi ibig sabihin ay iiwan na niya ang showbiz dahil ang showbiz, that's her life, e."

Sinabi pa ni Ogie na masaya siya dahil tanggap ng marami ang kanilang relasyon ni Regine.

"Nag-uumapaw ang saya! I'm very, very happy. Okay naman, all is well. At saka sa States, talagang tinanggap kami, masaya 'yung mga tao for us, kaya masayang-masaya talaga ako. Of course, bukod sa nakapagbakasyon din ako, inspired akong magtrabaho dahil siyempre in love tayo e."

Alam ba ng mga anak niya ang tungkol sa kanila ni Regine? Kumusta na sina Regine at Michelle?

"Okay naman sina Michelle at Regine, kumbaga, friends sila. Ako ngayon ang lagot kapag hindi ako naging mabait. Pero, mabait naman ako, e!" tawa niya.

"Si Leila [panganay ni Ogie], alam niya, noon pa. Matatalino ang mga anak ko, na-meet na nila si Regine, para silang magkalaro. "

Dagdag pa niya, "Okay naman si Michelle, maligaya siya. Ayoko kasing ikuwento ang buhay niya, kasi ayaw niya, e. Basta fulltime mom pa rin siya, may mga project-project doon, nagwo-work din ng kaunti. 'Yung pottery niya, parang pabugso-bugso na lang, e."

This Tuesday, July 10, ay pupunta uli si Ogie sa Australia para dumalaw sa kanyang pamilya roon.

"Next week aalis uli ako," sabi niya. "Wala namang birthday, dadalaw lang, miss ko na, e. Bago mag-Holy Week ako huling nagpunta doon. Kung hindi lang ako nag-States, dapat ay nakapunta na ako roon sa Australia.

"Masuwerte pa rin ako kung iisipin dahil madalas kong nakikita ang mga anak ko. Iyong ibang nasa situwasyon ko o kahit 'yung mga OFW [Overseas Filipino Workers], biro mo, nakikita nila 'yung mga anak nila once in every two years... Ang hirap nun, hindi ba? Ako, nakikita ko sila lagi. e, any time na gusto ko."

Pero hindi ba sila nagpupunta rito sa Pilipinas?

"Wala naman silang sinasabi, pero next year kasi is my 20th anniversary sa showbiz. So sinabi ko kay Michelle na baka puwede silang umuwi, lahat sila. Sabi naman niya, ‘Sige, tingnan natin.' Ita-timing namin na bakasyon 'yung mga bata.' So, makakapanood sila ng concert sa Araneta, para mas masaya."

Inusisa rin ng PEP kung saan natutulog si Ogie kapag nasa Australia siya.

"Mayroon akong dog house doon!" nakatawang pahayag niya. " Hindi, 'yung bahay na 'yon, ipinagawa ko talaga para... mayroon akong room doon at maganda ang pagkaka-design ni Michelle. Parang extension ‘yon ng bahay, pero part pa rin siya ng house. Actually, 'yung area ko nga ang mas maganda dahil kitang-kita ko 'yung labas. Pero 'yung house namin, bawat room ay may view, it's a very, very beautiful house," kuwento ni Ogie.

Naikuwento pa ni Ogie ang situwasyon ng kanyang mga anak sa Australia.

"Communication? Ako na ang tumatawag kasi si Michelle, halos wala nang oras 'yon, e. Wala kasing maid, paggising ng alas-siete, ihahatid ang mga bata, tapos may mga ballet-ballet pa 'yon. Pag-uwi niya ay pagod na, kaya ako na rin ang tumatawag.

"Mababait ang mga anak ko [si Sarah Kate ang isa pa nilang anak] at minsan kapag pinapangaralan ko, halimbawa may mga gusto sila at ayokong ibigay, sabi ko sa kanila, ‘Kayo, kapag makita n'yo 'yung mga bata sa Pilipinas, malalaman n'yo kung gaano kayo kasuwerte.'

"Siyempre, hindi nila masyadong maintindihan dahil hindi naman nila nararanasan 'yon e. So, gusto kong one day ay makita rin nila ‘yon, makita nila 'yung difference ng pamumuhay dito para ma-appreciate nila how lucky they are. Siyempre ang alam nila, ‘yon ang mundo nila, very comfortable, lahat ng puwede nilang, you know, makukuha nila. Ang dami nilang laruan, ang dami nilang damit, ganoon. Maganda rin 'yung na nae-expose sila sa situation dito."

Totoo ba na nagpapagawa na siya ng bahay para kay Regine?

"Basta!" matipid at paiwas na sagot ni Ogie habang tumatawa.

Naikuwento rin ni Ogie na magkakaroon sila ng pelikula ni Regine para sa GMA Films. Magsisimula sila ng shooting this October. Isa raw itong romantic-comedy na probably ay early next year ang playdate.
Back to top Go down
View user profile http://pinoy-style.forumotion.com
 
Kapuso Showbiz Intrigues: 3rd Compilation
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» "Caviar Putin" and "shitty kingdom": a compilation of marasmus of Russian stores
» Compilation of Facts...

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy-Style :: Pinoy-Style InterActive :: Showbiz Tsismis-
Jump to: